Tuesday, July 22, 2008

Media; manloloko, negosyante.

Buod

Ang mga taga-media ay pawang mga negosyate lamang.

Issue

Kung ethics ang paguusapan sa pangingielam ng mge taga-media sa gulo sa Peninsula na nilikha ng grupong Magdalo. Maling-mali talaga sila.
Sa unang pag-kakataon palamang ay binalaan at pinigilan na silang manghimasok. Ng sapagkakataong silang lahat ay hinuli at pinosasan na- sila naman ang nagagalit kung bakit.
Kung ipamukha nila ang kanilang mga sarili sa television, akala mo'y sila'y mga bayani-tila walang mga kasalanan.

Dahil sa ginawa nila ay nagi pa itong usap-usapan at pinagtatalunan pa kahit sa unang pagkakataon ay sila naman talaga ang mali. Pinagtatalunan kahit wala namang dapat pagtalunan. Sina sabi pa ng ilan na ginawa nila ito upang isiwalat sa publiko ang katotohanan, ngunit sa katotohanan ay ginagawa lamang nila ito para sa kanilang pansariling kapakanan; pangalan.

Kung pagsisiwalat ng katotohanan lamang ang pakay. Bakit sang damakmak na reporter pa ang naroroon?

Kitang-kita naman ang katotohanan na nag-uunahan silang lahat.
Kung iisang grupo lamang mula sa isang istasyon ang naroroon ay tiyak namang hindi ito huhulihin sapagkat hindi naman sila makakasagabal at hindi kapansin-pansin.


Kadalasan, para sa mga station tulad ng ABS-CBN at GMA. Natural lamang na kumilos lamang ang mga ito para sa salapi at karangalan. Gumagamit sila ng matatamis na salita, pag-papamukha ng kanilang mga gawa upang maangkin ang tiwala ng publiko.

Pawang pare-pareho silang mga nigosyante.... hindi sila mga tunay na public service. Sila lamang ay nakikipag kompetisyon.


Conclusion

Kung isa man akong taga-media. Kung ang aking hangarin ay tanging magsiwalat lamang ng katotohanan. Kung alam ko narin na may ibang istasyon ang magsisiwalat ng pangyayari o nang-yayari, ano pa ang dahilan para makipagunahan. Hahayaan ko nalang ang na unang grupo.



References

Pawang napanood sa television at narinig mula sa usap-usapan.
Ang aking gawa ay ang katotohanan. At walang pagkakamali.




PUP OU BBrC student # 070233206
PH 220 Ethics
Professor JRV